Nakatuon ang Spotify sa pakikitungo sa lahat ng tao, pati na sa mga indibidwal na may disability, sa paraang iginagalang ang dignidad at kalayaan nila. Naniniwala kami sa integration at pantay na oportunidad. Nakatuon kami sa pagtugon kaagad sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na may disability at magsisikap kaming tukuyin at alisin ang mga barrier sa accessibility kapag posible. Naka-outline sa Accessibility Plan na ito (o ang Plan) ang mga hakbang na ginagawa ng Spotify para tugunan ang mga layuning ito at gumawa ng mas maraming oportunidad para sa mga taong may disability.
Hinihikayat naming magbigay ng feedback sa Accessibility Plan na ito o sa accessibility sa Spotify sa pangkalahatan. Pwede kang mag-share ng feedback sa pamamagitan ng pagsagot sa form sa Accessibility Center namin—kung saan pwedeng mag-submit nang anonymous.
Ang Plan na ito at ang description ng feedback process namin ay makikita sa Accessibility Center namin. Available ang Plan at ang description ng feedback process sa mga print, large print, Braille, at audio format. Sasagutin namin ang mga request sa loob ng 15 araw.
Ang Accessibility Plan ng Spotify ay isang 3 taon na commitment na ipagpatuloy ang mga pagsisikap naming alisin ang mga barrier na nakakaapekto sa mga taong may disability. Pagtutuunan namin ang mga ito sa pamamagitan ng mga aksyon gaya ng paglahok sa Disability Equality Index, pag-update sa mga hiring process at office accessibility guidelines, pagpapabuti ng accessibility training, pagsusulong ng customer service accessibility, at pagpapatibay ng best practices sa mga communication—bukod sa marami pang ibang aksyong naka-outline sa ibaba. Dinevelop ang Plan na ito nang sumasangguni sa mga taong may disability para siguraduhing naipapakita nito ang mga pangangailangan nila.
Ito ang mga terminong paulit-ulit mong makikita sa Plan. Kung hindi ilalagay ang kahulugan ng isang termino dito, sasabihin namin ang ibig sabihin nito sa unang beses na babanggitin namin ito.
Mga accessible na format: Tumutukoy sa print, large print, Braille, audio format, o electronic format na compatible sa adaptive technology na ginawa para tulungan ang mga taong may disability.
Barrier: Tumutukoy ang "barrier" sa kahit anong humahadlang sa ganap at pantay na pakikilahok sa lipunan ng mga taong may impairment, pati na iyong may physical, mental, intellectual, cognitive, learning, communication, o sensory impairment o functional limitation, at kasama dito ang:
Disability: Tumutukoy ang "disability" sa kahit anong impairment, kasama ang physical, mental, intellectual, cognitive, learning, communication, o sensory impairment, o functional limitation, permanente man, pansamantala o episodic, o halata o hindi, na humahadlang sa ganap at pantay na pakikilahok sa lipunan ng isang tao kapag naharap sa isang barrier.
WCAG: Tumutukoy ang "WCAG" sa pinakabagong version ng Web Content Accessibility Guidelines na na-publish ng World Wide Web Consortium.