Safety at Privacy Center

Pagre-report ng content sa Spotify

Overview

Sa Spotify, nagsisikap kaming maisulong ang creative expression at gusto naming malayang maipakita ng aming community ang kanilang tunay na sarili, pero hindi ibig sabihin ay pwede nang gawin ang kahit ano.

Naka-outline sa matagal na naming Platform Rules kung ano ang pwede at hindi pwede sa Spotify. Inuuna namin ang pag-review ng content na nakakaapekto sa mga menor de edad, nagpapakita ng mas malaking panganib ng offline na pinsala, o di kaya'y ilegal.

Anong uri ng mga aksyon ang ginagawa laban sa ilegal na content o content na lumalabag sa Platform Rules?

Kapag nakakita kami ng content na lumalabag sa Platform Rules namin o di kaya'y ilegal sa ilalim ng lokal na batas, pwede kaming magsagawa ng hanay ng mga aksyon. Pwedeng kabilang sa mga aksyon na 'to ang pag-aalis ng content, paghihigpit sa distribusyon, paglalapat ng mga label ng content advisory at/o demonetisation.

Paano makakapag-report ng content ang isang tao sa Spotify?

Kung nararamdaman mong pwedeng lumabag ang isang piraso ng content sa aming Platform Rules, i-report ito gamit ang aming secure na form sa pagre-report.

Para mag-report ng content na sa tingin mo ay lumalabag sa intellectual property rights mo o kung hindi man ay lumalabag sa batas, kontakin kami. Makakakita ng mas marami pang impormasyon sa patakaran ng Spotify sa pagtugon sa paglabag sa intellectual property sa aming Copyright Policy.

Sino ang pwedeng mag-report ng content?

Pwedeng mag-report ng content sa Spotify ang kahit sinong may email address, kahit wala siyang Spotify account. Tandaang posibleng mapaghigpitan ng pang-aabuso sa proseso namin ng pagre-report ang kakayahan mong mag-submit ng mga request sa hinaharap.

Pwede bang iapela ang mga desisyon sa content?

Kung nakatira ka sa European Union at naniniwala kang mali ang aksyon na inilapat sa content mo o mali ang naging sagot sa report mo, tingnan ang natanggap na notification para sa mga susunod na hakbang.

Para sa lahat ng iba pang bansa, patuloy naming ie-expand ang aming mga kakayahan sa pag-apela at mga option, na nag-iiba-iba ayon sa lokasyon.