Ang "Nothing About Us Without Us" ay mahalagang paniniwala ng Disability Rights Movement, na naglalarawan ng pangangailangan ng ganap na paglahok ng mga taong may disability sa kahit anong gawain at innovation para sa kanila. Ang isa sa mga paraan kung paano namin naisasagawa ang model na ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan namin sa Fable, na isang accessibility platform na powered ng mga taong may kapansanan. Sumangguni sa Fable team, pati na sa internal na #able community namin, na isang grupo ng mga empleyado na may disability o neurodivergence, sa bawat stage ng Plan na ito.
Sa tulong ng Fable, nag-survey ang Spotify ng mahigit 100 taong may disability tungkol sa mga pangangailangan at preference nila pagdating sa accessibility. Sa mga sagot, may mga perspective mula sa mga taong gumagamit ng assistive technology para sa paningin, pandinig, cognition, pagsasalita at/o mobility. Maraming topic na pinag-usapan sa survey, gaya ng customer support, mga communication, hiring, mga physical space, mga digital product, at mga accommodation. Nagsagawa rin ang Fable ng online na focus group session kasama ang apat na taong may iba't ibang pangangailangan sa accessibility para mas mapag-usapan pa ang mga topic na iyon. Pinagbasehan ang mga insight na ito sa pag-develop ng Accessibility Plan ng Spotify.
Pagkatapos ma-draft ng Plan, ni-review ng dagdag na focus group na may lima pang kasali na may disability ang draft at nagbigay sila ng feedback tungkol dito. Ang ganitong iterative approach sa pagsali ng mga taong may disability sa pag-develop ng Plan ay nakatulong para malaman ang mga bahaging dapat pang pagbutihin at para mas magkaroon ng kumpiyansa sa patutunguhan ng mga pagsisikap ng Spotify kaugnay ng accessibility sa susunod na tatlong taon.
Bilang halimbawa ng kung paano humantong ang pagsangguni namin sa pag-develop ng Plan na ito, sinabi ng mga survey respondent na dapat pamilyar sa assistive technology at accessibility ang taong sumasagot sa mga tanong sa customer support. Bilang sagot sa feedback na ito, sa "Information and Communication Technologies (ICT)" section ng Plan na ito, nangako ang Spotify na papalawakin ang team namin ngayon sa tulong ng enhanced na kaalaman, mga skill, at mga tool para tulungan ang mga taong may disability.