Cookie Policy ng Spotify
May bisa simula sa May 29, 2023
- Ano ang cookies?
- Paano namin ginagamit ang cookies?
- Mga option para i-manage ang cookies at interest-based ad
- Mga update sa Policy na ito
- Paano kami kontakin
Dine-describe ng policy na ito kung paano ginagamit ng Spotify ang cookies. Mula ngayon, tatawagin namin itong 'Policy'. Magbibigay ang Policy na ito sa'yo, na user ng mga service at/o website ng Spotify (tatawagin namin ang mga ito na 'Mga Service'), ng malinaw na impormasyon tungkol sa kung para saan ginagamit ng Spotify ang cookies at option na mayroon ka pagdating sa pag-manage ng settings ng cookie mo.
1. Ano ang cookies?
Ang cookies ay maliliit na text na na-download sa device mo, halimbawa, kapag pumunta ka sa isang website. Kapaki-pakinabang ang cookies dahil natatanging natutukoy ng Spotify at mga partner namin ang device mo at nasusuportahan nito ang pagpapatuloy ng karanasan mo dahil dito, halimbawa, sa pamamagitan ng pagtulong nito sa amin na maintindihan ang mga preference o dati mong ginawa. Makakakita ka ng iba pang pangkalahatang impormasyon tungkol sa cookies sa: www.allaboutcookies.org.
2. Paano namin ginagamit ang cookies?
Maraming iba't ibang ginagawa ang cookies, tulad ng paggamit nito para makapag-navigate ka sa mga page nang walang hirap, maalala ang mga preference mo, at pangkalahatang mapaganda ang user experience mo. Matutulungan ka rin nito na matiyak na mas may kaugnayan sa iyo at sa mga interes mo ang mga ad na makikita mo online.
Gumagamit ang Spotify ng dalawang pangunahing category ng cookie: (1) talagang kailangang cookies; at (2) optional na cookies:
1. Talagang Kailangang Cookies
Sine-set ng Spotify o third party sa ngalan namin ang cookies na ito, at mahalaga ito para magamit mo ang mga feature ng Mga Service namin, gaya ng technical na paghahatid ng content, pag-set ng mga preference mo sa privacy, pag-log in, pagbabayad o pagsagot ng mga form. Kapag wala ang cookies na ito, hindi maibibigay ang Mga Service namin kaya hindi mo ito pwedeng tanggihan.
2. Optional na Cookies
Pwedeng 'first party na cookies' o 'third party na cookies' ang optional na cookies. Sine-set nang direkta ang first party na cookies ng Spotify o third party sa request namin. Sine-set nang direkta ang third party na cookies ng third party o sine-set ito ng Spotify sa request ng third party, gaya ng mga analytics o advertising service provider. Makikita mo ang listahan ng mga partner na ito sa link na ito. Ginagamit ng Spotify, o mga partner namin, ang optional na cookies sa mga sumusunod na paraan:
Uri ng Cookie | Para Saan |
---|---|
Talagang Kailangang Cookies | Mahalaga ang cookies na ito para magamit mo ang mga feature ng Mga Service namin, gaya ng technical na paghahatid ng content, pag-set ng mga preference mo sa privacy, pag-log in, pagbabayad o pagsagot ng mga form. Kapag wala ang cookies na ito, hindi maibibigay ang Mga Service namin kaya hindi mo ito pwedeng tanggihan. |
Cookies ng Performance | Kinokolekta ng cookies na ito ang impormasyon tungkol sa kung paano ginagamit ng mga bisita ang Mga Service namin. Halimbawa, gamit ang cookies na ito, nabibilang namin ang mga bisita sa website namin para maintindihan kung paano nahanap ng mga bisita ang website.Kasama sa category na ito ang web analytics na gumagamit ng cookies para kumuha ng data para pagandahin ang performance. Halimbawa, pwede itong gamitin para i-test ang mga design at tiyaking hindi magbago ang hitsura at feel para sa user. Pwede din naming kunin ang impormasyon mula sa mga email newsletter namin o iba pang communication na ipapadala namin sa'yo, nagbukas o nag-forward ka man ng newsletter o nag-click sa kahit ano sa content na ito. Sinasabi sa amin ng impormasyong ito ang tungkol sa effectiveness ng mga newsletter namin at natutulungan kami nito na tiyaking naghahatid kami ng impormasyong interesado para sa'yo.Hindi kasama sa category na ito ang cookies na ginagamit para sa mga behavioral targeted advertising network. |
Functional | Gamit ang cookies na ito, naaalala ng Mga Service namin ang mga pipiliin mo gaya ng username mo, wika o region kung nasaan ka at nakakapagbigay ito ng mga mas personal na feature at content. Halimbawa, pwedeng gamitin ang cookies na ito para alalahanin ang mga pagbabagong ginawa mo sa ilang bahagi ng mga web page na pwede mong i-customize.Naaalala ng cookies na ito ang mga pipiliin mo para pagandahin ang experience mo. Kung hindi mo papayagan ang cookies na ito, hindi mase-save ang ilan sa mga pinili mo sa mga dati mong pagbisita sa Mga Service namin. |
Targeting o advertising Cookies | Kinokolekta ng cookies na ito ang impormasyon tungkol sa pagba-browse mo para maihatid ang mga advertisement na mas may kaugnayan sa'yo at para maintindihan ang mga interes mo. Ginagamit din ito para limitahan kung ilang beses kang makakakita ng advertisement at tulungan kang sukatin ang effectiveness ng mga advertisement na shine-share ng Spotify. Nila-log ng cookies na ito na bumisita ka sa isang website at pwedeng i-share ang impormasyong ito sa iba pang organisasyon gaya ng mga advertiser. Dagdag pa, ang Spotify ay pwedeng magbigay ng limitadong data sa iba pang platform para mag-market ng mga Spotify promotion, feature, o bagong release sa iba pang mga platform na 'yon. Kung hindi mo papayagan ang cookies na ito, makakakita ka pa rin ng advertisement pero wala na itong tailored para sa'yo. |
3. Mga option para i-manage ang cookies at mga interest-based ad
Web Browser Settings
Pwede mong gamitin ang web browser settings mo para tanggapin, tanggihan at i-delete ang cookies. Para gawin ito, sundin ang instructions na ibinigay ng browser mo (na karaniwang nakikita sa settings na 'Tulong', 'Mga Tool', o 'I-edit').
Tandaang kung ise-set mo ang browser mo para tanggihan ang cookies, posibleng hindi mo magamit ang lahat ng feature ng website ng Spotify. Para malaman ang iba pang impormasyon, pwede mong puntahan ang www.allaboutcookies.org.
Mga Mobile Identifier
Sa mobile device mo, pwedeng bigyan ka ng operating system mo ng mga karagdagang option para mag-opt out sa interest based advertising o kung hindi, para i-reset ang mga mobile identifier mo. Halimbawa, pwede mong gamitin ang setting na 'Payagan ang Mga App na Mag-request na I-track' (sa mga iOS device) o setting na 'Mag-opt Out sa Interest-Based Ads' (sa mga Android device). Gamit ang settings na ito, nalilimitahan mo ang paggamit ng impormasyon tungkol sa paggamit mo ng mga app para maghatid ng mga ad na tailored sa mga interes mo.
Interest-Based Advertising
I-off ang toggle na 'Mga tailored na ad' na nasa Privacy Settings page ng Spotify Account mo para pwede kang mag-opt out na makatanggap ng mga interest-based advertisement. Kung mag-o-opt-out kang makatanggap ng mga interest-based gamit ang toggle na Mga tailored na ad, hindi ishe-share ng Spotify ang impormasyon mo sa mga third party na advertising partner o hindi nito gagamitin ang impormasyong natanggap nito para magpakita sa'yo ng mga interest-based ad. Pwede ka pa ring makatanggap ng mga ad kapag ginagamit ang Mga Service base sa Spotify registration information mo at real-time na paggamit mo ng Spotify, pero baka mas walang kabuluhan sa'yo ang mga ad.
Pwedeng kasama sa ilang partikular na tailored na advertisement na ipinapakita namin sa'yo, o ng service provider sa ngalan namin, ang icon na 'Mga Option sa Ad' o ibang mechanism para mag-opt out na makatanggap ng mga interest-based advertisement. Pwede kang mag-click sa icon na AdChoices o puntahan ang www.aboutads.info para:
- magbasa pa tungkol sa pangongolekta at paggamit ng impormasyon tungkol sa mga online na activity mo para sa interest based advertising; o
- mag-opt out na gamitin ang data mo para sa interest based advertising ng mga kasaling company ng Digital Advertising Alliance (DAA).
4. Mga update sa Policy na ito
Pwede naming baguhin ang Policy na ito paminsan-minsan.
Kapag may mga malaki kaming binago sa Policy na ito, bibigyan ka namin ng madaling makita na notice na naaangkop sa sitwasyon. Halimbawa, pwede kaming magpakita ng madaling makita na notice sa loob ng Spotify Service o magpadala sa'yo ng email o device notification.
5. Paano kami kontakin
Salamat sa pagbasa sa Policy na ito. Kung mayroon kang kahit anong tanong tungkol sa Cookie Policy na ito, gamitin ang contact form details ng Customer Support sa Privacy Center o sumulat sa amin sa sumusunod na address para kontakin ang Data Protection Office namin:
Spotify AB
Regeringsgatan 19, SE-111 53 Stockholm
Sweden
SE556703748501
© Spotify AB.