Mag-skip sa content
Spotify
  • Premium
  • Support
  • I-download
  • Mag-sign up
  • Mag-log in
  • Legal
  • Mga Tuntunin at Kundisyon ng Paggamit
  • Copyright Policy
  • Privacy Policy
  • Mga Guideline ng User
  • Mga Tuntunin ng Premium na Alok

Privacy Policy ng Spotify

May bisa simula September 30 2021

  1. Tungkol sa Policy na ito
  2. Ang mga karapatan at kontrol mo sa personal na data
  3. Personal na data na kinukuha namin tungkol sa iyo
  4. Ang layunin namin sa paggamit sa personal na data mo
  5. Pagbabahagi ng personal na data mo
  6. Retention at pag-delete ng data
  7. Paglilipat sa ibang bansa
  8. Pagpapanatiling ligtas sa personal na data mo
  9. Mga Bata
  10. Mga Pagbabago sa Policy na ito
  11. Paano kami kontakin

1. Tungkol sa Policy na ito

Inilalarawan ng Policy na ito kung paano namin ipinoproseso ang personal na data mo sa Spotify AB

Nalalapat ito sa paggamit mo ng:

  • lahat ng streaming service ng Spotify bilang user. Kasama na rito ang paggamit ng mga service ito na nasa mga libre o may bayad na option namin (kung saan itinuturing bilang "Service Option" ang bawat isa); at
  • iba pang service ng Spotify na may kasamang link papunta sa Privacy Policy (hal. mga website ng Spotify, Customer Support at Community Site).

Mula ngayon, magkakasama na naming tatawagin ang mga ito na "Spotify Service".

Paminsan-minsan, pwede kaming bumuo ng bago o mag-alok ng mga dagdag na service. Sasailalim din ang mga iyon sa Policy na ito, maliban na lang kung may ibang maging pahayag kapag inilabas na namin ang mga ito.

Ang Policy na ito ay hindi...

  • ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Spotify. Nasa ibang hiwalay na dokumento iyon, na nagsasaad sa legal na kontrata sa pagitan mo at ng Spotify para sa paggamit ng Spotify Service. Inilalarawan din nito ang mga panuntunan ng Spotify at ang mga karapatan mo bilang user.
  • tungkol sa paggamit mo sa iba pang Spotify service na may sariling dedicated na privacy policy, gaya ng Anchor, Soundtrap, Megaphone at Greenroom.

2. Ang mga karapatan at kontrol mo sa personal na data

Ang mga batas sa privacy, kasama na ang General Data Protection Regulation ("GDPR"), ay nagbibigay ng mga karapatan sa mga tao para sa personal na data nila.

Tingnan ang mga karapatan mo at ang mga description ng mga ito sa table na ito.


Karapatan mong...

Karapatan mong...

Pag-access

Mabigyan ng impormasyon tungkol sa personal na data na ipinoproseso namin na may kinalaman sa iyo at humingi ng access dito

Pagwawasto

Mag-request na baguhin o i-update namin ang personal na data mo kapag hindi ito tumpak o kumpleto

Pagbura

Mag-request na mag-delete kami ng ilang personal na data mo

Paghihigpit

I-request na pansamantala o permanente naming ihinto ang pagpoproseso ng lahat o ilan sa personal na data mo

Pagtanggi

Tumanggi sa aming pagpoproseso sa personal na data mo kahit kailan, sa dahilang may kaugnayan sa partikular na sitwasyon mo

Tumangging iproseso ang personal na data mo para sa direct marketing

Data portability

Mag-request ng kopya ng personal na data mo sa electronic na format at may karapatan kang ipadala ang personal na data na iyon para magamit sa service ng iba pang party

Hindi maisailalim sa automated na paraan ng pagpapasya

Hindi maisailalim sa isang pasya batay lang sa automated na paraan ng pagpapasya (mga pagpapasyang hindi ginawa ng tao), kasama na ang profiling, kung saan ang pagpapasya ay posibleng magkaroon ng legal na epekto sa iyo o magkaroon ng epektong kasing-laki nito

Paano isakatuparan ang mga karapatan mo sa Spotify

Pag-access: Para humiling ng kopya ng personal mong data galing sa Spotify, pumunta sa Privacy Settings ng account mo. Doon, automatic mong mada-download ang karamihan ng personal na data mo at malalaman mo kung paano mag-request ng marami pang impormasyon.

Pagwawasto: Pwede mong i-edit ang Data ng User mo sa "I-edit ang profile" sa account mo.

Pagbura:

  • Pwede kang mag-alis ng audio content sa profile mo sa pamamagitan ng pagpili sa naaangkop na content at pagpili na alisin ito. Halimbawa, pwede kang mag-alis ng mga playlist sa profile mo, o mag-alis ng track sa playlist mo.
  • Para mag-request na burahin ang iba mo pang personal na data sa Spotify (hal. ang Data ng User, Data ng Paggamit at iba mo pang data na nakalista sa Section 3 'Personal na data na kinukuha namin tungkol sa iyo' sa ibaba), tingnan ang support page namin.

Ang iba mo pang karapatan: Pwede mong kontakin nang direkta ang Spotify para isakatuparan ang mga karapatan mo kahit kailan (tingnan ang Section 11 'Paano kami kontakin').

Bukod pa rito, narito ang iba pang resource at kontrol sa privacy:

  • Privacy Center - marami pang impormasyon tungkol sa kung paano ginagamit ng Spotify ang personal mong data, ang mga karapatan mo, at kung paano gamitin ang mga karapatang iyon.
  • Privacy Settings - kontrolin ang pagpoproseso ng ilang personal na data, kasama na ang Mga Tailored na Ad.
  • Notification Settings - alamin kung paano i-set kung aling marketing communications ang makukuha mo galing sa Spotify.
  • Settings (Desktop at Mobile) - kontrolin ang ilang aspeto ng Spotify Service gaya ng "Social" at "Explicit na Content".
  • Cookies Policy - impormasyon tungkol sa kung paano namin ginagamit ang cookies at kung paano i-manage ang mga cookie preferences mo. Ang cookies ay mga file na sine-save sa phone, tablet o computer mo kapag may pinuntahan kang website.

May karapatan ka ring kontakin ang Swedish Authority for Privacy Protection o ang lokal data protection authority sa inyo tungkol sa kahit anong tanong o alalahanin.

3. Personal na data na kinukuha namin tungkol sa iyo

Ipinapakita ng mga table na ito ang mga category ng personal na data na kinukuha at ginagamit namin.

Kinukuha kapag nag-sign up ka para sa Spotify Service o kapag in-update mo ang account mo

Category

Description

Data ng User

Personal na data na kailangan namin para magawa ang Spotify account mo at nagbibigay-daan sa iyo na gamitin ang Spotify Service.

Ang uri ng data na kinukuha ay nakadepende sa uri ng Service Option na mayroon ka, kung paano mo gagawin ang account mo, bansang kinaroroonan mo, at kung gagamit ka ng mga third party service para mag-sign in. Pwedeng kasama rito ang iyong:

  • profile name
  • email address
  • phone number
  • date of birth
  • gender
  • street address
  • bansa

Tinatanggap namin ang ilan sa data na ito galing sa iyo hal. galing sa sign up form o sa account page.

Kinukuha rin namin ang ilan sa data na ito galing sa device mo hal. bansa. Para sa marami pang impormasyon tungkol sa kung paano namin kinukuha ang bansa, tingnan ang “General (hindi eksaktong) location mo”.

Data ng Street Address

Pwede naming hingin ang street address mo sa mga sumusunod na dahilan:

  • para tingnan ang eligibility sa isang Service Option
  • para sa pagpapataw ng tax
  • para mag-deliver ng physical goods o regalo na ni-request mo

Sa ilang kaso, pwede kaming gumamit ng third party mapping application (gaya ng Google Maps) para tulungan kang i-verify ang address mo.

Kinukuha sa pamamagitan ng paggamit mo ng Spotify Service

Mga Category

Description

Data ng Paggamit

Personal na data na kinukuha tungkol sa iyo kapag ina-access at/o ginagamit mo ang Spotify Service.

May ilang uri ng impormasyon na kasama rito, na idinedetalye sa mga sumusunod na section.

Impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang Spotify

Kasama sa mga halimbawa ang:


  • Impormasyon tungkol sa Spotify Service Option mo.
  • Ang mga ginagawa mo sa Spotify Service (kasama na ang date at oras), gaya ng:
    • mga search query
    • streaming history
    • mga playlist na ginagawa mo
    • library mo
    • browsing history
    • account settings
    • mga interaction sa iba pang Spotify user
    • paggamit mo ng mga third party service, device at application na may kaugnayan sa Spotify Service
  • Mga hula (ibig sabihin, ang pagkakaunawa namin) sa mga interes at preference mo base sa paggamit mo ng Spotify Service.
  • Content na pino-post mo saanman sa Spotify Service, gaya ng mga image, text, title ng playlist, komunikasyon, at iba pang uri ng content.

Ang technical na data mo

Kasama sa mga halimbawa ang:

  • Impormasyon ng URL
  • Mga online na identifier gaya ng cookie data at mga IP address
  • Impormasyon tungkol sa mga device na ginagamit mo gaya ng:
    • mga device ID
    • uri ng network connection (hal. wifi, 4G, LTE, Bluetooth)
    • provider
    • performance ng network at device
    • uri ng browser
    • language
    • impormasyong nagbibigay-daan sa digital rights management
    • operating system
    • version ng Spotify application
  • Impormasyon (gaya ng pangalan ng device, mga identifier, brand at version ng device) na nagbibigay-daan sa amin na ma-discover at maikonekta ang mga third party device at application gaya ng mga nakalista sa ibaba:
    • mga device na nasa wifi network mo (gaya ng speakers) na pwedeng kumonekta sa Spotify Service
    • mga device na ginawang available ng operating system mo kapag kumokonekta sa pamamagitan ng Bluetooth, plugin, at pag-install
    • Mga partner na application ng Spotify para alamin kung naka-install ang application sa device mo

Ang general (hindi eksaktong) location mo

Pwede itong makuha sa technical na data (hal. IP address mo, language setting ng device mo, o currency na ginagamit sa pagbabayad).

Kailangan namin ito para magawa ang mga geographic requirement sa mga kasunduan namin sa mga may-ari ng content sa Spotify Service, at para makapagbigay ng content at advertising na naaangkop sa iyo.

Ang data ng sensor ng device mo

Motion-generated o orientation-generated na data ng mobile sensor (hal. accelerometer o gyroscope) kung kailangan para maibigay ang mga feature ng Spotify Service na nangangailangan ng ganitong data.

Dagdag na data na pwede mong piliing ibigay sa amin

Mga Category

Description

Data ng Boses

Kung may mga voice feature sa market mo at kung saan ka lang papayag, kumukuha kami ng data ng boses (mga audio clip ng boses mo).

Ginagawa nitong posible na maibigay at mapaganda namin ang mga voice feature ng Spotify.

Para sa marami pang impormasyon tingnan ang Voice Control Policy namin.

Data ng Pagbabayad at Pagbili

Kung may kahit ano kang binili sa Spotify (kasama na ang may bayad na Service Option) o nag-sign up ka para sa isang trial, kakailanganin naming iproseso ang data mo ng pagbabayad.

Ang eksaktong personal na data na kukunin ay mag-iiba-iba depende sa paraan ng pagbabayad, pero kasama rito ang impormasyong gaya ng:

  • pangalan
  • date of birth
  • uri ng credit o debit card, expiration date, at ilang digit ng card number mo
    Note: Alang-alang sa seguridad, hindi namin sino-store ang buong card number mo
  • ZIP/postal code
  • mobile phone number
  • mga detalye ng pagbili at payment history mo

Data ng Mga Contest, Survey, at Sweepstakes

Kapag kumumpleto ka ng kahit anong form, sumagot sa isang survey o questionnaire, o sumali ka sa isang contest o sweepstakes, kinukuha namin ang personal na data na ibinibigay mo.

Kinukuha sa iba pang (‘third party’) source

Mga category ng mga third party

Description

Mga authentication partner

Kung nagpa-register o nag-log in ka sa mga service namin gamit ang ibang service, matatanggap namin ang impormasyon mo galing sa kanila para makatulong na gawin ang account mo sa amin.

Mga third party application, service at device na ikinokonekta mo sa Spotify account mo.

Kung ikokonekta mo ang Spotify account mo sa isang third party application, service at/o device, pwede kaming kumuha ng ilang impormasyon galing sa kanila para gawing posible ang pag-integrate.

Pwedeng kasama sa mga third party app, service o device ang:

  • social media
  • mga device kasama na ang:
    • audio (hal. speakers at headphones)
    • mga smart watch
    • mga telebisyon
    • mga mobile phone at tablet
    • automotive (hal. mga kotse)
    • mga games console
  • mga service o platform gaya ng mga voice assistant


Hihingin namin ang pahintulot mo bago namin kunin ang impormasyon mo galing sa ilang third party.

Mga technical service partner

Nakikipagtulungan kami sa mga technical service partner na nagbibigay sa amin ng ilang data, gaya ng pagmamapa ng mga IP address sa hindi eksaktong location data (hal., city, state).

Ginagawa nitong posible na ibigay ng Spotify ang Service, content, at mga feature ng Spotify.

Mga payment partner

Kung pipiliin mong bayaran ang Spotify gamit ang invoice, pwede kaming kumuha ng data galing sa mga payment partner namin.

Dahil dito magagawa naming:

  • magpadala sa iyo ng mga invoice
  • iproseso ang pagbabayad mo
  • ibigay sa iyo kung ano ang binili mo

Mga advertising at marketing partner

Pwede kaming kumuha ng data tungkol sa iyo galing sa ilang advertising o marketing partner.

Pwedeng kasama rito ang:

  • cookie id
  • mobile device id
  • email address
  • mga hula (ibig sabihin, ang pagkakaunawa namin) sa mga interes at preference mo

Binibigyang-daan kami nito na magbigay ng mga ad at marketing na mas naaangkop.

4. Ang layunin namin sa paggamit sa personal na data mo

Ipinapakita ng table sa ibaba ang:

  • layunin namin sa pagpoproseso ng personal na data mo
  • mga legal na pangangatuwiran namin (kung saan tinatawag na "legal na batayan" ang bawat isa) sa ilalim ng batas sa data protection, para sa bawat layunin
  • mga category ng personal na data na ginagamit namin para sa bawat layunin (tingnan pa ang tungkol sa mga category na ito sa Section 3 'Personal na data na kinukuha namin tungkol sa iyo')

Narito ang isang pangkalahatang pagpapaliwanag ng bawat "legal na batayan" para matulungan kang maunawaan ang table:

  • Pagtupad ng isang Kontrata: Kapag kailangan ng Spotify (o ng isang third party) na iproseso ang personal na data mo para:
    • sumunod sa mga obligasyon sa ilalim ng isang kontrata sa pagitan ninyo, hal. mga obligasyon ng Spotify sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ibigay sa iyo ang Spotify Service
    • o i-verify ang impormasyon bago magsimula ang isang bagong kontrata sa pagitan ninyo.
  • Lehitimong Interes: Kapag ang Spotify (o ang isang third party) ay may interes na gamitin ang personal na data mo sa partikular na paraan, na kailangan at itinuturing na makatuwiran nang isinasaalang-alang ang anumang posibleng panganib sa iyo at sa iba pang Spotify user. Halimbawa, ginagamit ang Data mo ng Paggamit para pagandahin ang Spotify Service para sa lahat ng user. Kontakin kami kung may specific na pangangatuwiran na gusto mong maintindihan.
  • Pagpayag: Kapag hiniling sa iyo ng Spotify na active na ihayag ang pagsang-ayon mo sa paggamit ng Spotify sa personal na data mo para sa (mga) partikular na layunin.
  • Pagsunod sa Mga Legal Obligasyon: Kapag kailangan ng Spotify na iproseso ang personal na data mo para sumunod sa isang batas.
Layunin para sa pagpoproseso ng data mo Legal na batayan na nagpapahintulot sa layunin Mga category ng personal na data na ginagamit para sa layunin

Para ibigay ang naka-personalize na Spotify Service.

  • Pagtupad ng isang Kontrata
  • Lehitimong Interes
  • Pagpayag
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili
  • Data ng Street Address
  • Data ng Boses

Para maintindihan, ma-diagnose, ma-troubleshoot, at ayusin ang mga issue sa Spotify Service.

  • Pagtupad ng isang Kontrata
  • Lehitimong Interes
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit

Para suriin at gumawa ng mga bagong feature, technology, at pagpapaganda sa Spotify Service.

  • Lehitimong Interes
  • Pagpayag
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Boses

Para sa marketing, promotion, at advertising.

  • Lehitimong Interes
  • Pagpayag
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Mga Contest, Survey, at Sweepstakes

Para sumunod sa mga legal na obligasyon at mga law enforcement request.

  • Pagsunod sa mga legal na obligasyon
  • Lehitimong interes
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili
  • Data ng Street Address
  • Data ng Boses
  • Data ng Mga Contest, Survey, at Sweepstakes

Para:

  • isakatuparan ang mga nasa kontrata na obligasyon sa mga third party, halimbawa ang mga kasunduan namin sa mga may-ari ng content sa Spotify Service, at
  • Umaksyon nang naaangkop sa mga report ng paglabag sa intellectual property at hindi naaangkop na content.
  • Lehitimong interes
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili

Para simulan, isagawa, o ipagtanggol ang legal na claim.

  • Lehitimong interes
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili
  • Data ng Street Address
  • Data ng Mga Contest, Survey, at Sweepstakes

Para magsagawa ng business planning, reporting, at forecasting.

  • Lehitimong Interes
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili

Para iproseso ang pagbabayad mo.

  • Pagtupad ng isang Kontrata
  • Pagsunod sa mga legal na obligasyon
  • Data ng User
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili

Para ma-detect at mapigilan ang fraud, kasama ang mga fraud na pagbabayad at paggamit ng Spotify Service.

  • Pagtupad ng isang Kontrata
  • Pagsunod sa mga legal na obligasyon
  • Lehitimong Interes
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Pagbabayad at Pagbili
  • Data ng Street Address

Para magsagawa ng research, mga contest, survey, at sweepstakes.

  • Pagtupad ng isang Kontrata
  • Lehitimong Interes
  • Pagpayag
  • Data ng User
  • Data ng Paggamit
  • Data ng Mga Contest, Survey, at Sweepstakes

Sa mga hurisdiksyon kung saan hindi kinikilala ang lehitimong interes bilang legal na batayan, umaasa kami sa pangangailangan o pahintulot ayon sa kontrata.

5. Pagbabahagi ng personal na data mo

Ipinapakita ng section na ito ang mga category ng mga recipient ng personal na data na nakuha o na-generate sa pamamagitan ng paggamit mo ng Spotify Service.

Impormasyong available sa publiko

Palaging magiging available sa publiko ang sumusunod na personal na data sa Spotify Service:

  • Ang profile name mo
  • Ang profile photo mo
  • Ang mga public playlist mo
  • Ang mga fina-follow mo sa Spotify Service
  • Ang mga nagfa-follow sa iyo sa Spotify Service (pwede kang mag-alis ng mga follower)

Personal na data na pwede mong piliing i-share

Ishe-share lang namin sa mga nakalagay sa table sa ibaba ang sumusunod na personal na data:

  • kung saan kailangan ang pag-share ng personal na data para sa paggamit ng feature ng Spotify Service, o ng isang third party application, service o device, na pinili mong gamitin; o
  • kung papahintulutan mo kaming i-share ang personal na data, hal. sa pamamagitan ng pagpili ng naaangkop na setting sa Spotify Service o sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahintulot mo.
Mga category ng mga recipient Dahilan ng pag-share

Mga third party application, service at device na ikinokonekta mo sa Spotify Account mo

Para ikonekta ang Spotify account mo, at/o bigyan-daan kang gamitin ang Spotify Service nang may kaugnayan sa mga third party application, service o device.

Kasama sa mga halimbawa ng mga nasabing third party application, service at device ang: mga social media application, speaker device, telebisyon, automotive platform, o voice assistant, na nag-i-interact sa Spotify Service.

Pwede kang tumingin at mag-alis ng maraming third party connection sa “Mga App” sa account mo.

Support community

Para magamit mo ang service ng Spotify Support Community.

Kapag nagpa-register ka ng account sa Spotify Support Community, hihilingin namin sa iyong gumawa ng specific na profile name. Public itong ipapakita sa lahat ng gumagamit ng Spotify Support Community. Ipapakita rin namin ang lahat ng tanong o comment na ipo-post mo.

Iba pang Spotify user

Para mag-share ng impormasyon tungkol sa paggamit mo ng Spotify Service sa iba pang Spotify user, kasama na ang ‘Mga Follower mo sa Spotify’.

Halimbawa, sa settings ng “Social” pwede mong piliin kung ishe-share ang mga kamakailan mong na-play na artist at ang mga playlist mo sa profile mo.

Mga artist at record label

Para makatanggap ng mga balita o promotional na alok galing mismo sa mga artist, record label o iba pang partner.

Pwede mong piliing mag-share ng personal na data (halimbawa, ang email address mo) para dito. Pwede kang magbago ng isip at pwede mong bawiin ang pagpayag mo kahit kailan.

Impormasyong pwede naming i-share

Tingnan ang table na ito para sa mga detalye tungkol sa kung kanino kami nagshe-share at bakit.

Mga category ng mga recipient Dahilan ng pag-share

Mga service provider

Para maibigay nila ang mga service nila sa Spotify.

Pwedeng kasama sa mga service provider na ito ang mga hina-hire namin para:

  • magbigay ng customer support
  • patakbuhin ang technical infrastructure na kailangan namin para maibigay ang Spotify Service
  • tumulong na protektahan at i-secure ang mga system at service namin (hal. reCAPTCHA ng Google)
  • tumulong na i-market ang mga product, service, event at promotion ng Spotify (at ng mga partner namin)

Mga nagpoproseso ng pagbabayad

Para maiproseso nila ang mga bayad mo, at para mapigilan ang fraud.

Mga advertising partner

Para matulungan kami ng mga ad partner namin na makapagbigay sa iyo ng mas naaangkop na advertising sa Spotify Service.

Halimbawa, tinutulungan kami ng mga ad partner namin na makapagbigay ng mga tailored na advertising:

  • Ito ay kapag gumagamit kami ng third party na impormasyon para ibagay sa iyo ang mga ad (na tinatawag ding interest based advertising).
  • Ang isang halimbawa ng tailored na ad ay kapag may impormasyon ang isang ad partner na nagpapahiwatig na mahilig ka sa kotse, na pwedeng magbigay-daan sa aming magpakita sa iyo ng mga ad tungkol sa mga kotse.
  • Makokontrol mo ang tailored na advertising sa account privacy settings mo sa “Mga Tailored na Ad”.
  • Kung “na-opt out” ka sa Mga Tailored na Ad, pwede ka pa ring makakuha ng advertising sa mga ad-supported na service (gaya ng mga podcast o Free Service Option) base sa impormasyon mo sa registration at mga ad base sa content na sini-stream mo sa Mga Service namin. Halimbawa, kung nagsi-stream ka ng podcast tungkol sa pagluluto, pwede kang makarinig ng ad ng food processor o kung nagsi-stream ka ng workout playlist, pwede kang makarinig ng ad ng sports clothing.

Mga Marketing Partner

Para i-promote ang Spotify sa mga partner namin. Nagshe-share kami ng ilang personal na data sa mga partner na ito kapag kailangan para:

  • makasali ka sa mga promotion ng Spotify, kasama na ang mga trial o iba pang naka-bundle na alok
  • i-promote ang Spotify sa media at advertising na naka-publish sa iba pang online service
  • tulungan kami at ang iba pang partner na tukuyin kung gaano kaepektibo ang mga promotion ng Spotify

Kasama sa mga halimbawa ng mga partner ang:

  • mga marketing o sponsorship partner
  • mga website at mobile app na nagbebenta sa amin ng advertising space sa mga service nila
  • mga device, app at mobile partner na nag-aalok din ng mga Spotify promotion

Pwede ring isama ng mga partner namin ang personal na data na shine-share namin sa kanila sa iba pang data na kinukuha nila tungkol sa iyo (hal. ang paggamit mo sa mga service nila). Pwede naming gamitin at ng mga partner namin ang impormasyong ito para magpakita sa iyo ng mga alok, promotion, o iba pang marketing activity na pinaniniwalaan naming naaangkop sa iyo.

Iba pang pag-share sa partner

Pwede kaming mag-share ng personal na data sa mga partner para makatulong sa aming maintindihan at mapaganda ang performance ng mga product at partnership namin.

Pwede kang tumingin at mag-alis ng maraming partner connection sa “Mga App” sa account mo.

Mga academic researcher

Para sa mga aktibidad gaya ng statistical analysis at academic study, pero sa pseudonymised na format lang. Sa pseudonymised na data, tinutukoy ng code ang data mo sa halip na ng pangalan mo o iba pang impormasyong direktang nagpapakilala sa iyo.

Iba pang kumpanya ng Spotify group

Kung saan kami may mga opisina, para isagawa ang mga pang-araw-araw naming business operations at para mapangalagaan at maibigay namin sa iyo ang Spotify Service.

Mga alagad ng batas at iba pang awtoridad

Kapag naniniwala kami nang may mabuting hangarin na kailangan namin itong gawin, halimbawa:

  • para sundin ang isang legal na obligasyon
  • para tugunan ang isang valid na legal na proseso (gaya ng search warrant, court order, o subpoena)
  • para sa makatuwiran naming interes o ng isang third party, kaugnay ng:
    • pambansang seguridad
    • pagpapatupad ng batas
    • litigasyon (isang kaso sa hukuman)
    • imbestigasyon ng krimen
    • pagprotekta sa kaligtasan ng isang tao
    • pagpigil sa pagkamatay o napipintong pisikal na pananakit.

Mga bumibili ng negosyo namin

Kung saan namin ibinebenta o kung saan kami nakikipagkasundo para ibenta ang negosyo namin sa bibili o posibleng bumili.

Sa sitwasyong ito, patuloy na titiyakin ng Spotify na napapanatiling confidential ang personal na data mo. Sasabihan ka namin bago ipasa ang personal na data mo sa bibili o bago magpairal ng ibang privacy policy.

6. Retention at pag-delete ng data

Retention

Itatabi lang namin ang personal na data mo hangga't kailangan para maibigay sa iyo ang Spotify Service at para sa mga lehitimo at mahalagang pangnegosyong layunin ng Spotify, gaya ng:

  • pangangalaga sa performance ng Spotify Service
  • pagpapasya sa negosyo nang nakabase sa data tungkol sa mga bagong feature at alok
  • pagsunod sa mga legal naming obligasyon
  • pagresolba sa mga dispute

Pag-delete

Kung isasara o ire-request mong isara namin ang account mo, ide-delete o ia-anonymize namin ang personal mong data para hindi ka na maiugnay dito, maliban na lang kung required na may itago kami o kailangan pa rin namin itong gamitin nang may legal na makatuwirang dahilan.

Narito ang ilang halimbawa ng sitwasyon kung saan legal kaming pinapayagan o required na magtago ng ilan sa personal na data mo:

  • kung may issue na hindi pa nareresolba kaugnay ng account mo, gaya ng hindi pa nababayarang credit o hindi pa nareresolbang claim o dispute
  • para sa mga obligasyon namin sa batas, tax, pag-audit at accounting
  • para sa mga lehitimo naming pangnegosyong interes gaya ng pagpigil sa fraud o para mapangalagaan ang seguridad.

7. Paglilipat sa ibang bansa

Kapag isinasagawa ang mga aktibidad na inilalarawan sa Policy na ito, shine-share ng Spotify ang personal na data mo sa ibang bansa sa mga kumpanya, subcontractor at partner ng Spotify group para maibigay sa iyo ang Spotify Service. Pwede nilang iproseso ang data mo sa mga bansa kung saan ang mga batas sa data protection ay hindi itinuturing na kasing tapang ng mga batas ng EU o ng mga nasa bansa mo, hal. pwedeng hindi pareho ang mga karapatang ibibigay nila sa iyo para sa data mo.

Sa tuwing naglilipat kami ng personal na data sa ibang bansa, gumagamit kami ng mga tool para:

  • siguraduhing nakakasunod ang paglilipat ng data sa naaangkop na batas
  • makatulong na bigyan ang data mo ng proteksyong kapareho ng sa EU

Ginagawa namin ito gamit ang iba't ibang proteksyon, ayon sa kung ano ang naaangkop para sa bawat paglilipat ng data. Halimbawa, ginagamit namin ang:

  • Standard Contractual Clauses (o isang alternatibong legal na tool) para i-require ang third party na protektahan ang data mo at bigyan ka ng mga karapatan at proteksyon na kapareho ng sa EU
  • mga technical na proteksyon, gaya ng encryption at pseudonymization
  • mga policy at proseso para tutulan ang mga hindi patas o labag sa batas na request ng awtoridad sa gobyerno

Maisasakatuparan mo ang mga karapatan mo sa ilalim ng Standard Contractual Clauses sa pamamagitan ng pag-contact sa amin o sa third party na nagpoproseso sa personal na data mo.

8. Pagpapanatiling ligtas ng personal na data mo

Naninindigan kami sa pagprotekta ng personal na data ng mga user namin. Nagpapatupad kami ng mga naaangkop na technical at pang-organisasyong hakbang para makatulong na protektahan ang seguridad ng personal na data mo. Gayunpaman, tandaang walang system ang maituturing na ganap na secure.

Nagpatupad na kami ng iba't ibang paraan ng pagprotekta kasama na ang mga policy ng pseudonymization, encryption, access, at retention para magbantay laban sa unauthorized na access at hindi kinakailangang retention ng personal na data sa mga system namin.

Para protektahan ang user account mo, hinihikayat ka naming:

  • gumamit ng mahirap hulaan na password na unique sa Spotify account mo
  • huwag i-share kahit kailan ang password mo kahit kanino
  • limitahan ang access sa computer at browser mo
  • mag-log out kapag tapos mo nang gamitin ang Spotify Service sa device na may iba pang gumagamit
  • magbasa pa ng detalye tungkol sa pagprotekta sa account mo

Pwede kang mag-log out sa Spotify sa maraming lugar nang sabay-sabay gamit ang function na "Mag-sign out sa lahat" sa account page mo.

Kung may access sa Spotify account mo ang iba pang tao (halimbawa, kung pinayagan mo silang gamitin ang account mo sa device na ginagamit din nila), maa-access nila ang personal na data, mga kontrol at ang Spotify Service na available sa account mo.

Responsibilidad mong payagan lang ang mga taong gamitin ang account mo kapag kumportable kang i-share ang personal na data na ito sa kanila. Ang paggamit ng iba pang tao sa Spotify account mo ay pwedeng makaapekto sa mga personalized na rekomendasyon at maisama sa data download mo.

9. Mga Bata

Note: Hindi nalalapat ang Policy na ito sa Spotify Kids, maliban na lang kung isaad ng Privacy Policy ng Spotify Kids. Ang Spotify Kids ay hiwalay na Spotify application.

Ang Spotify Service ay may minimum na "Age Limit" sa bawat bansa. Ang Spotify Service ay hindi para sa mga batang may edad na:

  • wala pang 13 taon
  • o, dahilan para maging ilegal na iproseso ang personal na data nila
  • o, required ang pagpayag ng magulang na iproseso ang personal na data nila

Hindi namin sasadyaing kumuha ng personal na data galing sa mga batang wala pa sa naaangkop na Age Limit. Kung wala ka pa sa Age Limit, huwag gamitin ang Spotify Service, at huwag magbigay ng kahit anong personal na data sa amin. Sa halip, inirerekomenda naming gumamit ng Spotify Kids account.

Kung magulang ka ng batang wala pa sa Age Limit at nalaman mong nagbigay ang anak mo ng personal na data sa Spotify, paki-contact kami.

Kung malalaman naming nakuha namin ang personal na data ng isang batang wala pa sa Age Limit, kikilos kami nang makatuwiran para i-delete ang personal na data. Posibleng kailanganin naming i-delete ang Spotify account para sa batang iyon.

Kapag gumagamit ng device na ginagamit din ng ibang tao sa main na Spotify Service, dapat kang maging maingat sa pag-play o pagrerekomenda ng kahit anong content sa mga taong wala pang 18 taong gulang na posibleng hindi angkop para sa kanila.

10. Mga Pagbabago sa Policy na ito

Pwede kaming gumawa ng mga pagbabago sa Policy na ito paminsan-minsan.

Kapag gumawa kami ng malalaking pagbabago sa Policy na ito, bibigyan ka namin ng madaling makita na notice nang naaangkop sa mga sitwasyon. Halimbawa, pwede kaming magpakita ng madaling makita na notice sa Spotify Service o magpadala sa iyo ng email o device notification.

11. Paano kami kontakin

Para sa kahit anong tanong o alalahanin tungkol sa Policy na ito, kontakin ang Data Protection Officer namin sa alinman sa mga paraang ito:

  • Gamitin ang privacy contact form namin
  • Mag-email sa privacy@spotify.com
  • Sumulat sa amin sa: Spotify AB, Regeringsgatan 19, 111 53 Stockholm, Sweden

Pwede mo ring puntahan ang Privacy Center namin para sa iba pang paglilinaw sa Policy na ito.

Ang Spotify AB ang data controller ng personal na data na ipinoproseso sa ilalim ng Policy na ito.

© Spotify AB

Spotify
Company
Tungkol Dito
Mga Trabaho
For the Record
Mga Community
Para sa Mga Artist
Mga Developer
Advertising
Mga Investor
Mga Vendor
Mga makakatulong na link
Support
Web Player
Libreng Mobile App
Pilipinas (Filipino)
  • Legal
  • Privacy Center
  • Privacy Policy
  • Cookies
  • Tungkol sa Mga Ad
© 2022 Spotify AB