Ang Digital Services Act (DSA) ng European Union ay isang regulasyong may layuning labanan ang ilegal na content online.
Makikita sa Digital Services Act Transparency Report ng Spotify ang overview ng pamamaraan namin, pati ang mga patakaran, kagawian, at aksyong nauugnay sa content ng mga user sa mga intermediary service ng Spotify. Mahalaga ang report na ito para sa pag-promote ng transparency at pananagutan.
Naka-outline sa Platform Rules ng Spotify kung ano ang pwede at hindi pwede sa mga service namin. Patuloy kaming nagsisikap na aksyunan ang ilegal at mapaminsalang content na ina-upload ng mga user habang pinoprotektahan ang data at mga fundamental na karapatan ng mga user.
Makikita ang Digital Services Act Transparency Report ng Spotify para sa 2024 dito.
Layunin ng Terrorist Content Online Regulation (TCO) ng European Union (EU) na itaguyod ang kaligtasan at security ng mga mamamayan ng EU sa pamamagitan ng pag-require sa mga digital service na mabilis at epektibong alisin ang content na nauugnay sa terorismo habang iginagalang ang mga fundamental na karapatan, gaya ng kalayaan sa pagpapahayag.
Magsisikap ang Spotify na labanan ang mapaminsalang content na nauugnay sa terorismo kung matutukoy na nasa platform ito. Nakikipagtulungan kami sa mga pinagkakatiwalaang authority at partner para labanan ang pambuong industriyang isyu na ito at patuloy naming pinapaganda ang mga internal na proseso namin para maaksyunan ang mga nagbabagong banta.
Bilang pagsunod sa TCO, naka-outline sa Terrorist Content Online Transparency Report ng Spotify ang mga pagsisikap namin para maiwasan at mapigilan ang content na nauugnay sa terorismo sa platform namin. Nagbibigay ang report na ito ng overview ng pamamaraan namin, pati kung paano namin tinutukoy at pinapangasiwaan ang content na nauugnay sa terorismo at kung paano kami tumutugon sa mga utos sa pag-aalis mula sa mga may kapangyarihang pambansang authority sa EU.
Makikita ang Terrorist Content Online Transparency Report ng Spotify para sa 2024 dito.